^

PM Sports

Gilas nasa Europe na

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang makukuha ng Gilas Pilipinas ang perpektong kundisyon ilang araw bago sumabak sa FIBA Olympic Quali­fying Tournament na lalarga sa susunod na buwan sa Riga, Latvia.

Alam ni Cone na marami pang dapat plantsahin bago makuha ang maganda at solidong porma para sa Olympic qualifiers.

Kaya naman bubuo ang Pinoy cagers ng che­mistry sa Europa at umaasa ito na makatutulong ng malaki sa kanila ang dalawang tuneup games na pagdaraanan nito.

“No. Not at all. I don’t expect to be ready at this point. We’re not ready—that’s why we’re still practicing and playing friendlies so we could get ready. If we play tomorrow, we’ll be in deep, deep problems,” ani Cone.

Galing ang Gilas Pilipinas sa 74-64 panalo laban sa Taiwan Mustangs noong Lunes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Matapos nito, agad na tumulak pa Europa ang Gilas Pilipinas para doon ipagpatuloy ang pagha­handa nito para sa Olympic qualifiers.

Sasalang ang Gilas Pi­lipinas sa dalawang tuneup games kontra sa Turkey at Poland sa Europa na magsisilbing final buildup ng Pinoy cagers.

Malaki ang maitutulong ng tuneup games upang mas lalo pang mahasa ang Gilas squad.

Sa katunayan, kasalukuyang nasa ika-15 ang Poland sa world rankings habang No. 24 naman ang Turkey.

Kaya naman inaasahang magiging pukpukan ang dalawang tuneup games para sa Gilas.

“Poland’s No. 15 in the world so they’re gonna give us a good feel, and Turkey’s No. 24 but they’re much better if their NBA guys show up,” ani Cone.

Matapos ang tuneup games, sasalang na agad ang Gilas Pilipinas sa group stage kung saan makakalaban nito ang world ranked No. 6 host Latvia sa Hulyo 4 sa alas-12 ng hatinggabi (oras sa Maynila).

Sunod na makakalaban ng Gilas ang Georgia na No. 23 sa world rankings sa susunod na araw sa alas-10:30 ng gabi (oras sa Maynila.

Nasa Group A ang Pilipinas, Latvia at Georgia habang nasa Group B naman ang Brazil, Cameroon at Montenegro.

Ang dalawang ma­ngu­ngunang koponan sa bawat grupo ang papasok sa crossover semis kung saan ang magkakampeon ang bukod tanging makakasiguro ng tiket sa Paris Oympics.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with