^

PM Sports

Division A promotion amoy na ng Gilas Women U18

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniligpit ng Gilas Pilipinas Women U18 ang Samoa, 71-47, para umabante sa championship round ng 2024 FIBA U18 Women’s Asia Cup Division B tournament sa Shenzhen, China.

Bumanat si Ava Fajardo ng 19 points at may 12 markers si Naomi Pa­nganiban para sa ratsada ng mga Pinay cagers na tinalo ang Maldives at Lebanon bago ang groups stage sweep mula sa forfeiture ng Syria.

Kumolekta sina tournament standouts Naomi Panganiban, Alicia Villanueva at Sophia Canido ng pinagsamang 34 mar­kers at 19 rebounds para sa paglapit ng koponan sa promosyon sa Division A ng FIBA U18 women’s division.

Haharapin ng Alas Women U18 ni coach Julie Amos sa final round ang sinuman sa Iran o Lebanon.

Nauna nang tinalo ng mga Pinay ang mga Lebanese, 89-63, papasok sa semifinals ng torneo.

Pinamunuan ni Mylaani Shay Siolosega Sione ang mga Samoans sa kanyang 18 points habang nagtala si Kira-May Filemu ng 12 points at 17 boards.

Kaagad inilista ng Gilas Women U18 ang 21-5 kalamangan sa first quarter hanggang makadikit ang Samoa sa 21-25 mula sa isang 16-4 atake sa 3:24 minuto ng second quarter.

Tuluyan nang naipagpag ng mga Pinay ang mga Samoans sa fourth quarter matapos iposte ang 59-41 abante.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with