^

PM Sports

Authentikation bumida sa 3- Year-Old race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Authentikation ang husay nito sa pista matapos ang walang kahirap-hirap na panalo sa naganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Pangalawa sa huli ang Authentikation sa unang 100 metro ng karera habang nasa unahan ang humarurot sa largahan na Sound Of Silence, pero mabilis na kumilos ang hinete ng winning horse na si Andreu Villegas.

Lamang ang Sound Of Silence ng 10 kabayo sa kalagitnaan ng karera kaya kumuha na ng segundo puwesto ang Authentikation.

Pagsapit ng far turn ay nasa limang kabayo pa ang lamang ng Sound Of Silence subalit papalapit ng huling kurbada ay parang poste siyang nilampasan ng Authentikation.

Kaya naman sa rekta­han ay nasa anim na kabayo ang bentahe ng Authentikation sa mga humahabol at magaan nitong tinawid ang meta.

Pitong kabayo ang bentahe ng Authentikation sa pumangalawang American Ford, tersero si Ginger Cat habang pang-apat si Memory Of The Sun.

Nirehistro ng Authentikation ang tiyempong 1:27.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P22,000 added prize.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with