POC asikasung-asikaso ang PH team sa Metz
MANILA, Philippines — Masaya ang unang bugso ng delegasyon ng Team Philippines na nasa Metz, France na nasa gitgitang preparasyon para sa 2024 Paris Olympics na magsisimula sa Hulyo 26.
Hindi maitago ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang saya nito na makitang nag-eenjoy ang Pinoy squad habang nasa kasagsagan ito ng paghahanda para sa Paris Games.
“You can feel it in their eyes and you can see it in their actions,” ani Tolentino.
Walo sa 20 Paris Olympics-bound athletes ang nasa training camp sa kasalukuyan.
Mismong si Tolentino ang umaasikaso sa Team Philippines na nasa Metz.
“It’s like doing what a dad does to his family,” ani Tolentino.
Katuwang ni Tolentino sa pag-aasikaso sina POC secretary-general Atty. Wharton Chan at training camp director Nikko Huelgas.
“Tatay na tatay. But we won’t forget to thank Him for all the reasons why we’re here and for all the goals we have set in Paris,” ani Tolentino.
Dumalo ang delegasyon sa Holy Mass sa St. Bernard Church kasama ang Filipino Community, Department of Moselle at Philippine Embassy sa France.
“It’s home away from home that makes our athletes feel better and all psyched up for the Olympics,” ani Tolentino.
Nasa training camp sina weightlifters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Febuar Ceniza; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam at Nesthy Petecio; at rower Joanie Delgaco.
Inaasahang darating din sina world champion gymnast Carlos Yulo kasama ang katropang gymnasts na sina Levi Jung-Ruivivar, Aleah Finnegan at Emma Malabuyo, boxer Eumir Felix Marcial at fencer Samantha Catantan.
- Latest