Aguilar palalakasin ang jiu-jitsu
MANILA, Philippines — Layunin ng DEFTAC na mas lalo pang palawakin ang programa nito para makatuklas pa ng mga batang atleta na posibleng maging jiu-jitsu world champions.
Malaki ang tiwala ni DEFTAC founder Alvin Aguilar na maraming talento ang Pilipinas na kailangan lamang mabigyan ng sapat na training para maging world champions.
Sa katatapos na 2024 World Festival Jiu-Jitsu Championship, ilang mga bagitong jiu-jitsu fighters ang nagpasiklab kabilang na sina Princess Akeisha Reuma, Ma. Althea Louise Brion, Aielle Aguilar, Marcus Sebastian Dela Cruz at Yani Alexii Lopez na sumungkit ng gintong medalya sa kani-kanilang kategorya.
May pilak si Ella Rosario Daza Olaso sa teen yellow 48 kgs class.
“It has been 26 years since the first time we competed abroad, and we are happy that through those years we have been able to produce countless world champions. Now, we have five,” ani Aguilar na siya ring pangulo ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) at Universal Reality Combat Championship (URCC).
Sa taong ito ay may 21 world champions ang na-produce ng DEFTAC.
- Latest