^

PM Sports

Malibu Bell nag-ingay sa Handicapping System race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bahagyang nabigyan ng magandang laban ang Malibu Bell bago nakuha ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Humarabas na lumabas ng aparato ang Malibu Bell upang hawakan ang limang kabayong agwat sa pumapangalang Clairvoyant sa kalagitnaan ng karera.

Subalit unti-unting luma­lapit sa top favorite na Malibu Bell ang Potential pagsapit ng far turn at sa huling kurbada ay halos nagkapanabayan na ang dalawa.

Nasa kalahating kabayo ang lamang ng Malibu Bell sa rektahan sa Potential habang ang Queensland ay nakikihalo sa bakbakan at nasa bandang labas ito.

Pero nanatili ang tikas ng Malibu Bell at sa huling 100 metro ng karera ay umungos na ito para tawirin ang meta ng may isa’t kalahating kabayong agwat sa sumegundong Potential.

Nirendahan ni jockey Christian Garganta, nirehistro ng Malibu Bell ang tiyempong 1:29.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ang P7,000 premyo habang napunta ang P2,000 at P1,000 sa second at third placers na Potential at Queensland, ayon sa pagkakasunod.

Humamig pa ng added prize na P11,000 ang Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon.

Samantala, pitong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) at isa sa biniliban pa ng ibang karerista ay ang pagkakapanalo ni Magical Zap na pinakawalan sa unang karera.

vuukle comment

MALIBU BELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with