^

PM Sports

Imposibleng naging posible

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tim Cone for president! Maraming Salamat, Tim Cone! We love you, coach Tim!

Ganito ang sangkaterbang hiyawan ng bayang basketbolista ng Pilipinas matapos igiya ni coach Tim ang Gilas sa 89-80 shocker kontra World No. 6 Latvia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga early Thursday morning.

Siyempre, pasalamat din ang mga Pinoy sa kabuuan ng koponan.

Gulantang ang lahat sa paggising na may ganitong balita – bagay na marami ang hindi umaasa.

Pero ginawa nina Justin Brownlee at teammates na posible ang imposible.

At kaunting napawi ang himutok at dismaya ng mga Pinoy sa malulupit na tambak na inabot ng Gilas boys sa FIBA U17 World Cup sa Turkey.

Marami ang umaasa na sana eh, makadikit man lang ang Gilas kontra Latvia.

Pero desidido si Cone at ang kanyang koponan na lumaban at manalo.

Kagabi ang ikalawang laban ng Gilas kontra Georgia.

Kung masustina ang ratsada, lalabas na Group A top seed ang Team Phl at uusad sa crossover semifinals kontra Group B second seed (malaking posibilidad na Montenegro).

Kung matalo man sa Georgia pero hindi more than 19 points, pasok pa rin ang Gilas sa semis.

Ganito kalaking bagay ang panalo kontra Latvia.

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with