^

PM Sports

Gilas krusyal ang laro kontra sa Georgia

Chris Co - Pang-masa
Gilas krusyal ang laro kontra sa Georgia
Ang Latvia at Georgia ang lalabanan ng Gilas Pilpinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.
fiba.com

MANILA, Philippines — Sasarguhin ng Gilas Pi­lipinas ang krusyal na panalo sa pagsagupa nito sa Georgia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Georgia nga­yong alas-8:30 ng gabi (Manila time) kung saan ang mananalo ang inaasahang papasok sa susunod na round ng torneo.

Napanood ng mga Pinoy cagers kung paano gi­nulpi ng Latvia ang Georgia sa opening day kung saan naitala ng host team ang 83-55 demolisyon.

Magandang pagkakata­on ito upang personal na ma-scout ng Gilas Pilipinas ang kanilang makakalaban lalo pa’t nasa must-win si­tuation ito sa Georgia.

Babanderahan ang Georgia ni San Antonio Spurs big man Aleksander Ma­mukelashvili na bukod-tanging player ng kanilang tropa na nagtala ng double digits.

Umiskor ito ng 14 points, habang nagkasya lamang si Orlando Magic player Goga Bitadze sa pi­tong puntos.

Doble ingat ang gagawin ng Gilas Pilipinas dahil gigil ang Georgia na makaresbak at makuha ang No. 2 spot sa Group A na magdadala sa kanila sa crossover semis.

Subalit hindi naman basta-basta susuko ang Gilas Pilipinas.

Dala ang ‘puso’ matra, inaasahang ibubuhos na ng Pinoy squad ang buong lakas nito para makuha ang panalo.

Aariba para sa Gilas Pi­lipinas sina Dwight Ramos, Chris Newsome at CJ Perez na magsisilbing point-guard ng 11-man Gilas squad.

Hahataw din si natura­lized player Justin Brownlee kasama sina June Mar Fajardo, Kai Sotto at Japeth Aguilar.

Ilang oras lamang ang pa­hinga ng Gilas Pilipinas matapos itong humarap sa Latvia sa alas-12 ng ha­tingggabi.

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with