I am sorry Amos sa Ateneo
MANILA, Philippines — Nag-sorry si Mason Amos nang lisanin nito ang pugad ng Ateneo de Manila University para lumundag sa De La Salle University.
Sinabi ni Amos na nakatanggap ito ng offer mula sa Green Archers na agad naman nitong ipinaalam sa management ng Blue Eagles.
Ngunit inamin ng Gilas Pilipinas standout na hindi nito naipaalam agad ang kanyang desisyon sa pamunuan mg Ateneo.
Kaya naman nagulantang ang lahat sa naging pasya nitong lumipat sa La Salle.
“It’s been a tough week with a decision I made due to my reasons. However my actions were unacceptable and not called for,” ani Amos.
Kasalukuyang nasa Riga, Latvia si Amos kasama ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.
“Although I did mention the offer to the management, they weren’t informed about my final decision as well as my teammates because I felt that it was a personal decision for me and my family,” aniya.
Alam ni Amos ang pagkakamaling nagawa nito kaya naman agad itong humingi ng paumanhin sa Ateneo community.
“However I will apologize for not being considerate. To my teammates, coaches, the community and the alumni I am sorry for my actions and I will own up to a mistake that could’ve been handled better. I don’t expect forgiveness but I just hope for understanding. I do love Ateneo and I wish all the best,” ani Amos.
Nagtala si Amos ng averages na 8.87 points at 3.4 rebounds sa UAAP Season 86 men’s basketball noong nakaraang taon.
- Latest