^

PM Sports

Durant, Beal nag-init para sa panalo ng Suns

Pang-masa
Durant, Beal nag-init para sa panalo ng Suns
Ginawang asintahan ni forward Kevin Durant ng Phoenix Suns ang dalawang Denver Nuggets defender.

PHOENIX — Nagsalpak sina Kevin Durant at Bradley Beal ng tig-27 points at tinalo ng Suns ang Denver Nuggets, 110-100, sa NBA Christmas game.

Lumamang ang Phoenix (15-14) ng pito sa pag­ta­tapos ng third period bago ito palobohin sa 99-81 sa gitna ng fourth quarter.

Naglaro ang home team na wala sina Devin Booker (groin) at Grayson Allen (concussion protocol).

Pinamunuan ni Nikola Jo­kic ang Denver (16-12) sa kanyang 25 points at 15 rebounds, habang may 22 at 17 markers sina Michael Porter Jr. at Russell Westbrook, ayon sa pagka­kasunod.

Lalo pang pinalaki ng Suns ang kanilang kalama­ngan sa 15 points sa final canto para tapusin ang three-game losing skid nila.

Nag-ambag naman si Jamal Murray ng 13 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Nuggets.

Sa Boston, umiskor si Joel Embiid ng 27 points ka­sama ang dalawang free throws sa huling tatlong se­gundo sa 118-114 pagda­ig ng Philadelphia 76ers (11-17) sa nagdedepensang Celtics (22-8).

Sa San Francisco, ipina­sok ni Austin Reaves ang kanyang winning layup sa huling segundo ng laro sa 115-113 paglusot ng Los An­geles Lakers (17-13) laban sa Golden State Warriors (15-14).

Sa Dallas, bumira si Anthony Edwards ng 26 points para gabayan ang Min­nesota Timberwolves (15-14) sa 105-99 paggupo sa Mavericks (19-11).

Sa New York, nagpa­sa­bog si Mikal Bridges ng season-high 41 points at nalampasan ng Knicks (20-10) ang 42 markers ni Victor Wembanyama sa 117-114 panalo sa San An­tonio Spurs (15-15).

KEVIN DURANT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with