Jumper ni Herro nagligtas sa Heat
ORLANDO, Fla. — Isinalpak ni Tyler Herro ang isang 19-foot jumper sa huling 0.5 segundo para sa 89-88 pag-eskapo ng Miami Heat kontra sa Magic.
Tumapos si Herro na may 20 points para tulungan ang Miami (15-13) na makabangon mula sa isang 17-point deficit.
Iniskor ni Alec Burks ang 11 sa kanyang 17 points sa fourth quarter, habang nagdagdag si Jaime Jaquez Jr. ng 15 points.
Bigo naman si Jalen Suggs, umiskor ng 29 points, na maipasok ang kanyang long jumper sa pagtunog ng final buzzer para sa Orlando (19-13).
Nagdagdag si Tristan da Silva ng 18 points at 6 rebounds.
Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na naglaro ang Heat na wala si Jimmy Butler.
Sa Atlanta, bumira si Jalen Johnson ng career-high 30 points para tulungan ang Hawks (16-15) na makabalik mula sa isang 21-point deficit sa 141-133 pagdagit sa Chicago Bulls (13-18).
Sa Memphis, humakot si Jaren Jackson Jr. ng 21 points, 11 rebounds at 3 blocks at may 21 markers at 16 boards si Zach Edey sa 155-126 pagkagat ng Grizzlies (21-10) sa Toronto Raptors (7-24).
Sa Indianapolis, dinuplika ni Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang career high 45 points para banderahan ang Oklahoma City Thunder (24-5) sa 120-114 pagpapatumba sa Indiana Pacers (15-16).
Sa Washington, kumonekta si Jordan Poole ng isang three-pointer sa huling 8.1 segundo ng laro para gabayan ang Wizards (5-23) sa 113-110 panalo laban sa Charlotte Hornets (7-23).
- Latest