^

PM Sports

Malibu Princess, Boss Lady kakaripas sa Hopeful Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang kumarera ng Malibu Princess at Boss Lady sa magaganap na 2024 PHILRACOM “Hopeful Stakes Race”na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Hulyo 21 (Linggo).

Anim na kabayo pa ang nagsaad ng paglahok sa event na may P1M gua­ranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

May distansya itong 2,000 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Bukod sa Malibu Princess at Boss Lady, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay ang Beltuna, Boss Uno, Gameir Winner, King James, Summer Rule at Wolfthreefivenine.

Hahamigin ng mana­nalong kabayo ang P600,000, mapupunta sa pangalawa ang P200,000 habang P100,000, P50,000, P30,000 at P20,000 ang third hanggang sixth placers ayon sa pagkakasunod.

Magbubulsa rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P50,000 at P30,000 at P20,000 ang second at third.

Sasakyan ni jockey Pabs Cabalejo si Malibu Princess habang si MM Gonzales ang nakatoka kay Boss Lady.

Posibleng magbigay ng magandang laban kina Malibu Princess at Boss Lady sina Beltuna at Gameir Winner na sasak­yan ni reigning Philippine Sporstwriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.

Samantala, pasisibatin din sa nasabing petsa ang 3rd Leg Triple Crown Stakes race kaya tiyak na dadagsain ng mga kareris­ta ang karerahan upang saksihan ang mahuhusay na kabayo.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with