^

PM Sports

Nambatac natuloy na sa TNT

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang pagka­kabitin ay natuloy na rin ang one-on-one trade ng TNT Tropang Giga at Blackwater.

Nahugot ng Tropang Giga si guard Rey Nambatac mula sa Bossing kapalit nina Kib Montalbo, Jewel Ponferada at isang Season 53 second-round pick.

Nauna nang tinanggihan ng PBA trade committee ang initial proposal ng TNT at Blackwater kung saan makukuha ng Tropang Giga si Nambatac at ibibigay si Montalbo at isang second round pick sa Bossing.

Pinayagan lamang ng komite ang nasabing palitan ng dalawang koponan matapos idagdag ng TNT si Ponferrada sa swap sa Blackwater.

Sa kanyang 11 games para sa Bossing ay nagtala si Nambatac ng mga averages na 11.1 points, 4.4 assists, 2.8 rebounds at 1.0 steal per game sa nakaraang Season 48 PBA Philippine Cup.

Nagmula ang dating kamador ng Letran Knights sa Rain or Shine Elasto Painters.

 

vuukle comment

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with