^

PM Sports

Toring dagdag-puwersa sa Foxies

Russell Cadayona - Pang-masa
Toring dagdag-puwersa sa Foxies
Pinayagan ng team doctor ng Foxies na maglaro si middle blocker Lorene Toring matapos magkaroon ng ACL injury simula noong UAAP Season 86 habang suot ang uniporme ng Adamson Lady Falcons.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines —  Magkakaroon ng dagdag na puwersa ang Farm Fresh sa pagbabalik ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Enero 18.

Pinayagan ng team doctor ng Foxies na maglaro si middle blocker Lorene Toring matapos magkaroon ng ACL injury simula noong UAAP Season 86 habang suot ang uniporme ng Adamson Lady Falcons.

Nangyari ang nasabing injury sa training sessions ng Lady Falcons noong 2024 na tumapos sa collegiate career ni Toring.

“Siyempre ‘yung takot hindi mo maiaalis ‘yan sa mga tulad ko na galing injury, pero nangingibabaw ‘yung excitement na mailaro ko na ‘yung pinaghirapan kong recovery with our PTs pati ‘yung makatulong sa team,” ani Toring.

Makakasama ni Toring sa kampanya ng Foxies ang mga dating Adamson standouts na sina Louie Romero, Trisha Tubu, Ckyle Tagsip at Cae Lazo.

Posibleng gawin ni Toring ang kanyang conference debut sa Enero 18 sa pagsagupa ng Farm Fresh sa Nxled sa Philsports Arena sa Pasig City.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with