^

PM Sports

Gilas paghahandaan ang 3rd window

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang paghahan­daan ng Gilas Pilipinas ang third window ng FI­BA Asia Cup Quailiers na parehong idaraos sa labas ng bansa sa Pebrero.

Pakay ng Gilas na wa­lisin ang dalawang laban nito kung saan makakasagupa ng mga Pinoy ca­gers ang Chinese-Taipei sa Pebrero 20 sa Taiwan kasunod ang Tall Blacks na gaganapin naman sa Auckland, New Zealand sa Pebrero 23.

Alam ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na matinding laban ang ka­nilang haharapin lalo pa’t papabor sa mga kalaban nito ang home crowd.

“The two away games we are going to have in Feb­ruary is going to be the toughest part of this window. Two toughest teams and both on the road,” ani Cone.

Importante ang laban ito para sa Chinese-Taipei na kasalukuyang nasa ikat­long puwesto tangan ang 1-3 rekord.

Nangunguna ang Gilas Pilipinas na may malinis na 4-0 marka kabuntot ang New Zealand na may 3-1 kartada.

Nasa ikaapat na silya ang Hong Kong (0-4).

Nakasigurado na ng ti­ket ang Pilipinas at New Zealand sa FIBA Asia Cup proper na gaganapin sa Agosto.

GILAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with