^

PM Sports

Meralco at TNT magsasalpukan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang pahi-pahinga para sa Meralco na sasa­lang ulit kontra naman sa kapatid na TNT Tropang Giga sa pagpapatuloy ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup elimina­tion round sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ang Bolts ang nagbu­kas ng Bagong Taon sa PBA noong Linggo at hin­di pa­paawat kahit pa kontra sa Tropang Giga nga­yong alas-7:30 ng gabi matapos ang laban ng Terrafirma (0-7) at Phoenix (1-5) sa alas-5 ng hapon.

Umeskapo ang Meralco sa Hong Kong Eastern, 88-83, para maputol ang two-game losing skid at ma­kaangat sa 4-2 kartada sa Top 6 sa kalagitnaan ng elimination rounds.

Napalakas ng Bolts ang playoffs goals nito su­balit bukod doon ay na­natiling nasa kontensyon para sa Top-2 finish tampok ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

Nakabuntot lang ang Me­ralco sa NorthPort (6-1), Rain or Shine (4-1), Converge (6-2), Ginebra (5-2) at Eastern (6-3) kaya’y kung makakalusot sa TNT ay lalong lalakas ang kanilang tsansa.

Dagdag pa rito ang pagbabalik nina Chris Ban­chero, Raymond Al­mazan, CJ Cansino at Brandon Bates upang sa­ma­han sina import Akil Mitchell, Chris Newsome, Bong Quinto at Cliff Hodge.

Subalit hindi magpapa­taob ang TNT kahit pa may kalawang nang hu­ling maglaro noong Dis­yembre 19 tampok ang 109-93 panalo.

Maalat ang naging simula ng TNT sa 0-2 kartada matapos pagha­rian ang Governors’ Cup subalit nakaiskor na ng dalawang sunod na panalo upang makahabol sa 2-2 kartada.

Walang plano ang Tropang Giga na mahinto ito kahit pa Bolts ang nakaharang sa kanilang daan .

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with