Quizon pararangalan sa PSA Awards Night
MANILA, Philippines — Nasikwat ni Pinoy woodpusher Daniel Quizon ang third at final norm noong nakaraang taon kaya siya ang bagong grandmaster ng Pilipinas.
Dahil sa tagumpay, kasama ang 20-anyos na si Quizon sa mabibigyan ng parangal sa 2024 San Miguel Corporation - Philippine Sportswriters Association Awards Night na gaganapin sa Enero 27 sa Centennial Hall sa Manila Hotel.
Nakumpleto ni Quizon ang tatlong GM norms sa last leg ng Hanoi Grandmaster Chess Tournament sa Vietnam noong Marso 2024.
At naisakatuparan ang pagsilo ni Quizon ng GM title nang maabot nito ang 2500 elo rating requirements matapos pisakin si grandmaster Igor Efimov sa board 2 sa 45th FIDE Chess Olympiad na nilaro sa BOK Sports Hall sa Budapest, Hungary.
Kasama rin si Ruelle Canino sa mga kikinang ang gabi sa PSA awards dahil sa kanyang mahusay na paglalaro ng chess sa taong 2024.
- Latest