Mainit na kiskisan
Mula sa mahabang holiday breather, balik-aksyon ang TNT Tropang Giga kontra Meralco Bolts ngayong gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Mas malaking atensyon ang nakatuon sa Tropa – ang Governor’s Cup titlists na sumusubok makahugot ng back-to-back championships sa PBA Season 49.
Malamang dahil sa championship hangover, matamlay ang panimula ng koponan ni coach Chot Reyes sa midseason tourney pero muli nang naka ratsada bago matapos ang 2024.
Iyon nga lamang, kailangan na naman nilang magpainit dahil napahinga almost three weeks.
Back-to-back losses sa Eastern at sa NorthPort at back-to-back wins kontra Magnolia at Blackwater ang kartada nina Rondae Hollis-Jefferson at mga teammates papasok sa 2025 play.
Bahagyang angat ang Meralco (4-2) na mas naunang sumabak sa aksyon sa bagong taon. Naisahan nila ang Eastern, 88-83, noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Malaking power source ang balik sa Meralco – ito ay sa katauhan nina Chris Banchero, Raymond Almazan, Brandon Bates at CJ Cansino na nakabalik na galing sa injury.
Timely ang kanilang balik, lalo na’t parating ang laban kontra Tropang Giga na pangungunahan nina RHJ, Calvin Oftana, Jayson Castro at Rey Nambatac.
Inaasahan ang kanilang mainit na kiskisan sa PhilSports Arena.
- Latest