^

PM Sports

Birchton pinakain ng alikabok ang mga kalaban

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinakain ng alikabok ng Birchton ang mga nakatunggali matapos angkinin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Pag-arangkada sa aparato ay sinunggaban agad ng Birchton ang unahan at hawakan ang dalawang kaba-yong bentahe sa pumapangalawang Da Compulsive.

Pagdating ng far turn ay umabot na sa tatlong kabayo ang bentahe ng Birchton sa nagkakapanabayan sa segundo puwesto na Da Compulsive at Sunny Nature.

Determinado ang Birchton hindi na pinaporma ang mga kalaban sapagkat pagdating ng huling kurbada ay umalagwa sa anim na kabayong agwat ang kanyang lamang.

Magaan na tinawid ni Birchton ang meta ng may mahigit 10 kabayo ang agwat sa pumangalwang si American Ford, tersero si Da Compulsive habang pang-apat si Sunny Nature.

Ginabayan ni class A rider O’Neal Cortez, nirehistro ng Birchton ang tiyempong 1:25.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Felizardo Sevilla Jr. ang P22k na added prize.

Nagbulsa rin ang breeder ng nanalong kabayo ng P4,500 habang P1k at P500 ang second at third placer ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with