^

PM Sports

Strong Group sumulong sa 4-0

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matikas pa rin ang ratsada ng Strong Group Athletics nang pataubin nito ang Sports Club Beirut, 95-73, para manatiling walang bahid sa 33rd Dubai International Basketball Championship kahapon sa Al Nasr Club sa Dubai, United Arab Emirates.

Hataw na naman si reigning UAAP MVP Ke­vin Quiambao na nagpasabog ng 20 puntos tampok ang apat na three-pointers upang tulungan ang Strong Group na makuha ang ikaapat na panalo.

Nakatuwang ni Quiambao si McKenzie Moore na naglista ng 19 markers, walong rebounds at limang assist habang nagdagdag naman si Jordan Heading ng 15 points.

Nakalikom naman si JD Cagulangan ng 12 puntos at anim na assists bago magtamo ng minor injury.

Naglista si dating NBA star Dwight Howard ng 11 puntos at anim na rebounds para sa Strong Group na sumulong sa 4-0 baraha sa Group B.

Bumandera para sa Sports Club Beirut si Sergio El Darwich na kumana ng 28 puntos samantalang umiskor si Mohamed Haidar ng 15 puntos habang may 14 points na nagawa si Dar Tucker.

Sunod na makakasagupa ng Strong Group ang Al Ahli Tripoli ng Libya na wala pa ring talo sa apat na laro.

vuukle comment

STRONG GROUP ATHLETICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with