^

PM Sports

Gilas Boys sasagupa sa Lithuania sa U17 World Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasagupa sa mga bi­gating koponan ang Gilas Pilipinas Boys simula sa European powerhouse na Lithuania sa pag-arangkada ng 2024 FIBA U17 World Cup ngayon sa Si­nan Erdem Dome sa Istanbul, Turkey.

Ito ang pagbabalik ng Gilas youth sa world stage simula nang huling makapasok noong 2019 sa ilalim ng golden era ni­na Kai Sotto, AJ Edu at Carl Tamayo na pare-pareho nang nasa Gilas men.

Unang hamon sa Gilas ang World No. 7 Li­thuania sa alas-5:30 ng hapon (Manila time) bago sumabak kontra sa World No. 2 na Spain at World No. 15 na Puerto Rico sa Group A.

Pare-parehong podium finishers ang tatlong koponan sa mga nakalipas na edisyon ng U17 World Cups sa pangunguna ng European champion na Spain na pumangalawa sa USA noong 2022 edition sa homecourt nila sa Malaga.

Subalit Lithuania mu­­na ang makakaharap ng mga bataan ni coach Josh Reyes sa ngayon na kapwa nila fourth-placer  sa continental championship na naging daan nila patungo sa World Cup.

Samantala, nagkaroon ng injury si Kieffer Louie Alas, kumamada ng 15.4 points at 8.6 rebounds sa 2023 FIBA U16 Asian Championship sa Doha, Qa­tar, at papalitan ni Champ Arejola.

Sa World Cup ay ma­­kakasama niya sina Kurt Nathan Velasquez, Eli­jah Mark Williams, Cletz David Amos, Edryn Mo­rales, Joaquin Gabriel Ludovice, Irus Chua, Bonn Ervin Daja, Paul Cyron Diao, Jaime Lorenzo Gomez-De Liaño, Sa­muel Alegre at Noah Matteo Banal.

Kahit ano ang maging resulta ay hindi matatanggal ang Gilas dahil pasok na lahat sa Round of 16.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with