^

PM Sports

Gilas women kampeon!

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas women kampeon!
Inatake ni Gabriella Ramos ng Gilas Women U18 ang dalawang player ng Lebanon.
FIBA.com

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Gilas Pilipinas women ang Lebanon, 95-64, upang pag-reynahan ang Division B at makasikwat ng promosyon sa Division A ng 2024 FIBA U18 Women’s Asia Cup kahapon sa Futian Sports Park sa Shenzhen, China.

Nagliyab sa 22 puntos tampok ang 6 na tres at 3 steals si Alyssa Kae Rodriguez sa 22 minutong aksyon lang upang banderahan ang koronasyon ng Filipina ballers bilang reyna ng Division B.

Umalalay sa kanya sina Alicia Margarett Villanueva at Naomi Natalie Panganiban na may 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang may tig-10 puntos din sina Ava Fajardo at Sophia Anne Dominique Canindo.

Dahil sa tagumpay, aangat ngayon ang Gilas sa pangunguna ni head coach Julie Amos upang palitan ang kulelat na koponan sa Division A na kasalukuyan pang idinaraos para sa final standing.

Nakumpleto rin ng Gilas women, sa pangunguna ni program director Pat Aquino, ang promosyon sa lahat ng divisions matapos unang makaakyat sa Division A ang senior at U16 teams nito.

Nauna nang tinalo ng Gilas ang Lebanon, 89-63, sa group play bago makaulit sa kabila ng dikit na 20-17 iskor sa first quarter.

Kumawala ang Gilas sa second period, 33-9, para makapagtayo ng higanteng 53-26 sa halftime tungo sa 31-point win.

Bago iyon ay halos hindi rin pinawisan ang Filipina ballers kontra sa Maldives, 141-18, Lebanon at Syria via default sa group phase tsaka kinaldag ang Samoa, 71-47, sa semifinals para sa 5-0 sweep ng Division B.

Hindi nagkasya ang 31 at 19 puntos nina Reem El Ghali at Maygen Naassan, ayon sa pagkakasunod, para sa Lebanon na nasungkit pa rin ang silver medal sakay ng 64-49 silat na tagumpay sa dating unbeaten na Iran sa semis.

Samantala, kumamada ng 22 puntos si Peata Manumaleuga upang makumpleto ng Samoa ang podium matapos ang 64-59 panalo sa Iran tungo sa bronze medal.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with