^

PM Sports

Gilas kinapos sa Poland

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sesentro na ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na magiging daan nito para makapasok sa Paris Olympics.

Nakumpleto na ng Gilas Pilipinas ang dalawang tuneup games nito sa Europa kasama ang dikit na 80-82 kabiguan sa kamay ng Poland sa kanilang huling laro sa Sosnowiec, Poland.

Patunay ito na kayang kayang makipagsabayan ng Gilas Pilipinas sa mga Europeans kung saan nagpasabog ng matinding ratsada ang tropa sa huling sandali ng laro.

Bumida si Dwight Ramos sa pagpapasabog ng 5-0 run sa huling dalawang minuto para makadikit sa 77-82 matapos malugmok sa 10 puntos na pagkakabaon.

Dumikit pa ng husto ang Pinoy cagers nang maisalpak ni Chris Newsome ang isa sa dalawnag free throws nito kasunod ang basket mula kay CJ Perez.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Gilas Pilipinas para maitakas ng Poland ang panalo.

Nakalikom si Ramos ng kabuuang 16 puntos  habang nagtala naman si naturalized player Justin Brownlee ng 30 puntos para pamunuan ang Gilas Pilipinas.

Nagdagdag si seven-time MVP June Mar Fajardo ng 10 puntos, tatlong rebounds at dalawang steals habang umiskor si Kai Sotto ng walong puntos at 11 boards.

Hataw si Italian Cup Most Valuable Player Michal Sokolowski ng 21 puntos tampok ang 3-of-4 sa three-point range para banderahan ang Poland.

Nakalikom naman si center Aleksander Balcerowski ng 10 markers habang nagparamdam si San Antonio Spurs forward Jeremy Sochan na may walong puntos at apat na rebounds.

Nauna nang natalo ang Gilas Pilipinas sa Turkey (84-73) sa kanilang unang tuneup game sa Istanbul.

Dadalhin ng Gilas Pilipinas ang karanasan nito sa kanilang kampanya sa Olympic qualifiers kung saan unang makakasagupa nito ang host Latvia sa Hulyo 4 sa alas-12 ng madaling-araw (oras sa Maynila.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with