^

PM Sports

Secretary nanalong dehado sa Gran Copa

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parang tradisyon na sa karera na kapag Araw ng Maynila ay nagkakadehaduhan sa karerahan.

Ganoon nga ang nangyari noong Linggo nang nagwaging dehado ang Secretary sa 2024 Philracom Gran Copa De Manila na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Race 1 pa lang ay nagsaya agad na ang mga deha­dista sa pagkakapanalo ng Secretary na inilampaso ang liyamadong 2023 two legs Triple Crown winner Jaguar sa isang wire-to-wire finish.

Ginabayan ni John Allyson Pabilic, humarurot agad paglabas ng aparato ang Secretary pero hinabol ng Fortissimo upang magtagisan ng bilis sa unahan.

Pagdating ng far turn ay lumayo ang Secretary at lumamang ng tatlong kabayo sa umagaw ng segundo puwesto na Istulen Ola.

Nakadikit ang Istulen Ola at Jaguar sa Secretary pagdating ng huling kurbada.

Subalit hindi natinag sa unahan ang Secretary at nanatiling tangan ang bandera sa rektahan kaya nanalo.

Inilista ng Secretary ang tiyempong 1:39.6 minuto sa 1,600 meter race para hamigin ng winning horse owner na si Ronaldo David ang premyong P600,000.

Nakopo ng Mimbalot Falls ang P200,000 at nasungkit ng Istulen Ola at Easy Does It ang P100,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with