^

PM Sports

Promotion/Relegation

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pahinga ng dalawang araw bago muling aarangkada bukas ang Gilas U18 women sa mithiing marating ang elite group ng FIBA Asia Championship.

Matapos walisin ang Maldives, Lebanon at Syria sa kanilang grupo sa kasalukuyang championship sa Shenzhen, China, two wins away ang mga batang Pinay ballers upang marating ang tuktok ng Division B competition at makausad sa elite group.

Madaling laban kontra Samoa o Maldives ang haharapin ng Team Philippines sa semifinals.

Moment of truth para sa koponan ni coach Julie Amos ang Sunday game na malamang eh kontra Iran.

End goal ang pagtagumpayan ang Division B war upang mapasali sa susunod na FIBA Asia Championship sa primerang kompetisyon kasama ang mga higanteng tulad ng Australia, Japan, China at South Korea.

Nagsisimula sa Division B competition ang Gilas girls dahil matagal tayong walang participation sa biennial event na ito na nagsimula noong 1970.

Muli tayong sumali sa Bangalore 2022 edition pero natapilok sa semifinals sa 65-66 overtime loss kontra eventual Division B champion Malaysia.

Sa kasalukuyang Division A event sa Shenzhen, Malaysia at Indonesia ang magsasagupa sa pag-iwas sa relegation sa Division B.

Kung ganito siguro ang format sa PBA at PBA D-League eh, magbubunsod sa mas competitive at exciting na mga laban.

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->