^

PM Sports

Brazilian import kinuha ng Galeries

Russell Cadayona - Pang-masa
Brazilian import kinuha ng Galeries
Si Galeries Tower assistant coach Godfrey Okumu kasama si import Monique Helena.
PVL photo

MANILA, Philippines — Itatampok ng Galeries Tower si Brazilian import Monique Helena para sa darating na 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Ito ang unang international stint ng 22-anyos na outside hitter at inaa­sahang makakatulong sa kampanya ng Highrisers.

Unang sumabak sa mga torneo si Hele­na noong 2017 para sa Lav­ras Vôlei kasunod ang pag­lalaro sa Itambé/Mi­nas, Minas Náutico, Bluvolei Furb SME, Vôlei Tau­baté at ABEL Moda Volei.

Bukod kay Helena, ang iba pang imports na sasalang sa PVL Reinforced Conference ay si­na Erica Staunton (Creamline), Zoi Faki (Cho­co Mucho), Khat Bell (Chery Tiggo), Elena Samoilenko (PLDT Home Fibr) at Marina Tushova (Capital1 Solar Energy).

Hinugot naman ng Galeries Tower sina free agents Roselle Baliton at Shannen Palec sa off-season.

Hangad ng Highrisers na mapaganda ang 10th place finish sa nakaraang 2024 All-Filipino Confe­rence kung saan sila nag­tala ng 3-8 record.

Inaasahang lalakas pa ang Galeries Tower sa pagkuha ng mga rookies at free agents sa darating na 2024 PVL Draft.

Hawak nila ang No. 3 overall pick.

Nakatakda ang kuna-unahang VL Rookie Draft sa Hulyo 8 sa Novotel na dadaluhan ng 12 teams.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with