^

PM Sports

Gilas kinapos sa Turkey sa friendly

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas kinapos sa Turkey sa friendly
Si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone habang nagbibigay ng instructions sa kanyang mga bataan laban sa Turkey sa kanilang friendly match.
SBP

MANILA, Philippines — Kinapos ang Gilas Pilipinas kontra sa host na Turkey, 73-84, sa ka­ni­lang friendly match kahapon sa Istanbul bilang paghahanda ng koponan para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa susunod na linggo sa Latvia.

Nakasabay ang Gilas hanggang sa huling dalawang minuto ng du­we­lo bago nakaalagwa ang home team tungo sa dikit na tagumpay.

Bumandera para sa Nationals si naturalized player Justin Brownlee na tumikada ng 21 points, habang humakot ng 17 markers at 10 rebounds si seven-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Nag-ambag din ng tig-7 puntos sina Kai Sotto at Carl Tamayo, habang may 8 rebounds at 7 assists si Dwight Ra­­mos bagama’t may 4 puntos lamang.

Si Ramos ang nagtimon sa opensa ng Gilas bi­lang converted point guard kapalit ni star­ting floor general Scottie Thompson na hindi muna nakasama sa Europe dahil sa iniindang back injury.

Nadale ng foul trouble ang Gilas na nakadikit pa sa Turkey, 40-42, sa halftime tampok ang pi­nagsamang siyam na fouls ng pambatong frontline nina Fajardo at Sotto.

“It was a tough loss against Turkey. We had our first taste of the type of opposition we will be facing in the OQT,” ani Gilas team manager Richard del Rosario.

“While others may see it as a satisfying first game, our team mindset is – almost is not enough. We only have one shot at make it to the Olympics and we cannot be satisfied with almost winning,” dag­dag nito

Nanguna para sa Turkey si EuroLeague vete­ran at 2023 NBA draftee Tarik Biberovic na may 23 points kasama ang limang tres kabilang na ang dagger para sa 81-73 kalamangan nila tungo sa tagumpay.

Sunod na makakalaban ng Gilas sa isa pang tune-up ang Poland nga­yong araw bago dumi­ret­so sa Riga upang ka­ha­rapin ang OQT host na Latvia at Georgia sa Group A.

Nasa Group B naman ang Brazil, Cameroon at Montenegro.

Isa lang mula sa 6 na koponan ang makakasikwat ng isa sa natitirang apat na tiket sa Paris Olympics sa susunod na buwan.

“We move on to the next game with a firmer belief that we can hold our own against higher ranked teams with a real chance of reaching our mission of making it to Paris,” dagdag ni Del Ro­sario.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with