^

PM Sports

2024 Palaro target gawin ng Cebu sa Hulyo

Russell Cadayona - Pang-masa
2024 Palaro target gawin ng Cebu sa Hulyo
Marikina Mayor Marcy Teodoro turns over the Palarong Pambansa banner to Mayor Michael Rama during the closing ceremony yesterday.
PHOTO FROM DEPED CEBU CITY ASST. SUPT. ADOLF AGUILAR

MANILA, Philippines — Ayaw ng host Cebu City na bagyuhin ang mga kalahok sa pagdaraos nila ng Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Kaya plano nilang ga­win ang nasabing premier sports event para sa mga student-athletes sa elementary at secondary sa Hulyo.

Aminado ang Marikina City na nahirapan si­lang maisagawa ang ka­tatapos lamang na 2023 Pala­rong Pambansa dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Falcon ilang araw bago ang pagbubukas ng mga kompetisyon.

Ibinigay ng Depart­ment of Education (DepEd), ang chief organizer ng taunang Palarong Pambansa, ang 2024 hos­ting sa Cebu City matapos talunin ang 2017 host Antique at Negros Occidental sa bidding.

Tumayong host ng Palaro ang “Queen City of the South” noong 1954 at 1994.

Idaraos ang mga events sa Cebu City Sports Center (CCSC), dating Abellana Sports Complex, na itinayo para maging main venue sa Palarong Pambansa noong 1994.

Sa 2023 edition ay mu­ling nanguna ang National Capital Region (NCR) sa 2023 Palaro sa nakolektang 85 gold, 74 silver at 55 bronze medals para kunin ang overall crown sa ika-21 sunod na pagkakataon.

Sumegunda ang Wes­tern Visayas sa nahakot na 60 golds, 45 silvers at 44 bronzes kasunod ang Calabarzon (52-52-57), Central Luzon (28-33-46), Central Visayas (26-18-35), Davao (21-18-27), Northern Mindanao (19-20-33), SOCCSKSARGEN (17-19-34), Cordillera Administrative Region (17-17-14), Bicol (13-15-22), Ilocos (9-11-23), Cagayan Valley (8-13-17), at MIMAROPA (6-8-13).

vuukle comment

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with