^

PM Sports

Dallas nakaiskor sa Boston sa game 4

Pang-masa
Dallas nakaiskor sa Boston sa game 4
Dinepensahan ni P.J. Washington ng Mavericks si Jayson Tatum ng Celtics sa Game 4 ng NBA Finals.
STAR/ File

Dallas – Iniskor ni Luka Doncic ang 25 sa kanyang 29 points sa first half, habang nagdagdagsi Kyrie Irving ng 21 mar­kers sa 122-84 pagbugbog ng Mavericks sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals.

Nag-ambag si Tim Hardaway Jr. ng 15 points na kinamada niya lahat sa fourth quarter at humakot si rookie center Dereck Lively II ng 11 points at 12 rebounds.

Ang nasabing 38-point final margin ang ikatlong pinakamalaki sa isang NBA Finals game sa likod ng pagsuwag ng Chicago Bulls sa Utah Jazz, 96-54, noong 1998 at ang 131-92 paggupo ng Boston sa Los Angeles Lakers noong 2008.

Diniskaril ng Mave­ricks ang tangkang 4-0 sweep ng Celtics sa ka­nilang best-of-seven cham­pionshp series para sa 1-3 agwat.

Napigilan din ang 10-game postseason winning streak ng Boston.

“It’s real simple. We don’t have to complicate this. This isn’t surgery,” sabi ni Dallas coach Jason Kidd. Ibabalik ang Game Five sa Boston sa Martes.

Naiwanan ang Mave­ricks ang Celtics ng 13 points sa first quarter at na­baon sa 38 markers sa third period.

Ang pinakamasaklap na kabiguan sa NBA Finals ng 17-time cham­pions na Celtics ay ang 104-137 kabiguan sa La­kers noong 1984.

Umiskor si Jayson Tatum ng 15 points, habang may 14 at tig-10 markers sina Sam Hauser, Jaylen Brown at Jrue Holiday, ayon sa pagkakasunod.

LUKA DONCIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with