^

PM Sports

Kiefer Ravena mananatili sa Japan B.League

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa Shiga Lakes ay lumipat si Pinoy import Kiefer Ravena sa Yokohama B-Corsairs para sa darating na 2024-25 season ng Japan B.League first division.

Makakasama ni Ravena sa Yokohama si superstar guard Yuki Kawamura na hinirang na 2023 B.League Most Valuable Player.

Nauna nang naglaro si 7-foot-2 Kai Sotto para sa B-Corsairs at nakatambal si Kawamura.

Tinulungan naman ng 6’1 na si Ravena ang Shiga sa pagkopo sa B2 title sa nakaraang season kung saan na-promote ang Lakes sa Japan B.League first division.

Humataw ang dating NLEX Road Warrior guard ng mga averages na 12.4 points, 5.5 assists at 2.8 rebounds sa kanyang final year para sa Shiga.

Nakatakda ring maglaro ang dating Ateneo Blue Eagles playmaker para sa Strong Group Athletics sa parating na Jones Cup sa Taiwan sa susunod na buwan.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with