Durant, Beal nag-init para sa panalo ng Suns
PHOENIX — Nagsalpak sina Kevin Durant at Bradley Beal ng tig-27 points at tinalo ng Suns ang Denver Nuggets, 110-100, sa NBA Christmas game.
Lumamang ang Phoenix (15-14) ng pito sa pagtatapos ng third period bago ito palobohin sa 99-81 sa gitna ng fourth quarter.
Naglaro ang home team na wala sina Devin Booker (groin) at Grayson Allen (concussion protocol).
Pinamunuan ni Nikola Jokic ang Denver (16-12) sa kanyang 25 points at 15 rebounds, habang may 22 at 17 markers sina Michael Porter Jr. at Russell Westbrook, ayon sa pagkakasunod.
Lalo pang pinalaki ng Suns ang kanilang kalamangan sa 15 points sa final canto para tapusin ang three-game losing skid nila.
Nag-ambag naman si Jamal Murray ng 13 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Nuggets.
Sa Boston, umiskor si Joel Embiid ng 27 points kasama ang dalawang free throws sa huling tatlong segundo sa 118-114 pagdaig ng Philadelphia 76ers (11-17) sa nagdedepensang Celtics (22-8).
Sa San Francisco, ipinasok ni Austin Reaves ang kanyang winning layup sa huling segundo ng laro sa 115-113 paglusot ng Los Angeles Lakers (17-13) laban sa Golden State Warriors (15-14).
Sa Dallas, bumira si Anthony Edwards ng 26 points para gabayan ang Minnesota Timberwolves (15-14) sa 105-99 paggupo sa Mavericks (19-11).
Sa New York, nagpasabog si Mikal Bridges ng season-high 41 points at nalampasan ng Knicks (20-10) ang 42 markers ni Victor Wembanyama sa 117-114 panalo sa San Antonio Spurs (15-15).
- Latest