^

PM Sports

Unang PBA title asam ng Meralco

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Unang PBA title asam ng Meralco

MANILA, Philippines — Amoy na ng Meralco ang kasaysayan kaya hindi na sila magpapaawat sa tangkang pagsikwat ng kampeonato kontra sa San Miguel Beer sa posibleng panapos na Game Six ng 2024 PBA Philippine Cup best-of-seven finals series sa Smart Araneta Coliseum.

Bitbit ng Bolts papasok sa duwelo ang 3-2 abante upang mamuro sa kauna-unahan nilang ti­tulo sa franchise history matapos ang pambihirang 92-88 panalo kontra sa Beermen sa Game Five noong Biyernes.

At bagama’t wala pa halos pahinga, buo ang determinasyon ng Meralco na maisakatuparan ang pangarap ngayong alas-6:15 ng gabi na magpapatalsik din sa SMB mula sa trono bilang reigning champions.

Nasa pressure ang Bolts hawak ang una nitong 3-2 abante sa kahit sa anong best-of-seven series upang hindi na bigyan pa ng tsansa ang batikang Beermen pero ayon kay head coach Luigi Trillo ay handa ang kanyang mga bataan sa hamon na ito.

“Most of our guys are veterans. Si Brandon (Bates) lang ang bago sa finals. People don’t realize how long it took to mold this team. Ang hirap. It’s our first All-Filipino chance,” ani Trillo sa pagkakataon ng Meralco sa sa ka­nilang unang Philippine Cup finals appearance.

Sasandal si Trillo sa lider na si Newsome upang trangkuhan ang ka­nilang misyon sa pag-ukit ng kasaysayan kasama sina Chris Banchero, Cliff Hodge, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Bong Quinto at rookie na si Brandon Bates kontra sa SMB.

Hindi na bagito sa ga­nitong sitwasyon ang Beermen matapos pagwa­gian ang 2009 Fiesta Conference kontra sa Ginebra, 2019 Philippine Cup kontra sa Magnolia at 2022 Philippine Cup kontra sa Talk ‘N Text sa kabila ng 2-3 deficit.

At upang magawa ulit ito at makapuwersa ng Game Seven ay handang ru­mesbak si seven-time PBA MVP at 10-time Best Player of the Conference June Mar Fajardo kasama sina CJ Perez, Jericho Cruz, Marcio Lassiter, Don Trollano, Chris Ross at Moala Tautuaa.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with