^

PM Sports

FEU sinuwag ang UST

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas ang Far Eastern University (FEU) nang paamuhin nito ang University of Santo Tomas (UST), 76-51, sa pagsi­simula ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumida para sa Tamaraws si RJ Abarrientos na umiskor ng 18 puntos kabilang ang 14 markers sa first half para makuha ng Morayta-based squad ang kanilang unang pa­nalo.

Impresibo ang rekord ni Abarrientos na may 6-of-13 shooting clip ka­­bi­lang ang 5-of-7 sa three-point territory.

“I’m not surprised with RJ. I’m sure you all are too. The whole country knows it. He just needs to work on some things,” ani FEU head coach Olsen Racela.

Nakalikom din si Abarrientos ng tatlong rebounds at dalawang assists habang sumuporta sa kanya si John Bryan Sajonia na nagtala ng 12 puntos, walong rebounds at dalawang steals.

“We’re just happy to get our first win after two long years of waiting. We still have a lot of things to do, especially the preparation of all the teams is short,” dagdag ni Racela.

Kumana naman sina Emman Ojuola, Aevin Coquia at Rodel Gravera ng tig-aanim na puntos para sa Tamaraws.

Bagsak ang Growling Tigers sa 0-1 panimula.

Nanguna para sa UST si Joshua Fontanilla na nagsumite ng 19 mar­kers at dalawang boards habang umiskor si Nick Cabañero ng 12 points at da­lawang rebounds.

vuukle comment

FAR EASTERN UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with