Marck Espejo balik-aksiyon na sa Japan
MANILA, Philippines — Balik-aksiyon na si outside hitter Marck Espejo kasama ang buong tropa nitong FC Tokyo para sa nalalapit na pagbubukas ng Japan V.League 2021-2022 season.
Nakalabas na sa hotel si Espejo matapos ang 14-day mandatory quarantine.
Kaya naman, agad itong sinundo ng mga kinatawan ng FC Tokyo pati ang isa pang import na si Norwegian Jonas Kvalen.
Mainit na sinalubong sina Espejo at Kvalen nina FC Tokyo teammates Nozomi Sato, Hideyuki Kuriyama at Yuma Nagatomo bitbit ang welcome banner at ang flag ng Pilipinas at Norway.
Sabik na si Espejo sa kanyang pagbabalik-aksiyon sa Japan B.League.
Huli itong nasilayan sa aksiyon noong 2018 season nang maglaro ito para sa Oita.
Matapos ang isang season, hindi na ni-renew pa si Espejo.
Naglaro ito sa isang commercial league sa Thailand kasunod ang pagsabak sa isa pang commercial league sa Bahrain.
Maliban kina Espejo at Bagunas, maglalaro rin sa Japan V.League womens division si Jaja Santiago sa ikatlong sunod na season kasama ang Saitama Ageo Medics.
- Latest