^

PM Sports

Gilas suko sa Lebanon

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nasustenihan ng Gilas Pilipinas ang matikas na ratsada nito nang umani ito ng 54-75 pagyuko sa Lebanon sa 2nd Doha Invitational Cup na ginaganap sa Qatar University Sports and Events Complex sa Doha, Qatar.

Nakalikom ang Gilas Pilipinas ng kabuuang 19 turnovers laban sa Lebanon.

Maasim din ang shoo­ting ng Gilas sa three-point area kung saan tanging apat lamang ang kumunekta sa 26 pagtatangka nito.

Nanguna para sa Gilas Pilipinas si naturalized player Justin Brownlee na may double-double na 21 points at 11 rebounds habang nagsumite naman si Calvin Oftana ng 10 markers.

Ilang krusyal na turnovers ang nagawa ng Gilas Pilipinas sa huling kanto ng laro na naging panguna­hing dahilan upang malugmok ito laban sa Lebanon.

Nagtala lamang ng dalawang field goals ang Pinoy cagers sa buong fourth quarter.

Sinamantala ng Lebanon ang kaliwa’t kanang tunrovers ng Gilas Pilipinas para maitarak ang 24-6 run sa huling yugto upang makuha ang unang panalo nito sa liga.

Parehong may 1-1 marka ang Gilas Pilipinas at Lebanon.

Una nang tinalo ng Gilas Pilipinas ang Qatar sa opening habang yumuko naman ang Lebanon sa Egypt sa kanilang unang asignatura.

Wala pa sa lineup ng Lebanon sina star pla­yers Wael Arakji at Omari Spellman.

Solido ang ratsada ng Lebanon na nakakuha ng 18 puntos at walong boards mula kay Gerard Hadidian.

Nagtala rin ng parehong 18 puntos si Jhad Khalil tampok ang tatlong three-pointers habang nagsumite si Karim Zeinoun ng 13 puntos.

Nagdagdag pa si big man After Majok ng 12 puntos at siyam na rebounds para sa Lebanon.

Pakay ng Gilas Pilipinas na magarbong tapusin ang kampanya nito kung saan nakatakda nitong makaharap ang Egypt ala-1:30 ng madaling araw ngayong Lunes. 

 

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with