^

PM Sports

Manansala kapalit ni Ayo sa UST

Pang-masa
Manansala kapalit ni Ayo sa UST
Jinino Manansala

MANILA, Philippines — Inaasahang pormal na ita-talaga ng University of Santo-Tomas (UST) anumang araw si Jinino Manansala, ang assistant coach ng kontrobersiyal na dating Tigers mentor na si Aldin Ayo.

Base sa mga ulat na nagkalat sa internet, nakuha ni Ma-nansala ang trabaho laban sa mga bigating kandidato dahil siya ang higit na nakakaalam sa sistemang iniwan ng nagbitiw na si Ayo na naabsuwelto na sa posibleng paglabag sa mga umiiral na protocol nang idaos ang diumano’y training ng UST men’s basketball team sa kanyang probinsiya sa Capuy, Sorsogon.

Nakuha ng 40-gulang na si Manansala ang trabaho laban sa mga bigating kandidato para sa naturang coaching job tulad ng mga kapwa niya UST alumni na sina Siot Tanquingcen at Aries Dimaunahan kasama ang dating Alaska resident import na si Sean Chambers.

Mabigat ang trabahong gagampanan ni Manansala dahil kailangan niyang muling buuin ang koponan ng Tigers na nawalan ng walong players na nagsilipat sa ibang school bunga ng issue sa Bicol bubble sa pa-ngunguna ng dating team captain na si CJ Cansino, Rhenz Abando at Mark Nonoy.

Ang mga naiwang maaasahan ni Manansala ay sina Chabi Yo, Sherwin Concepcion at Dave Ando.

Ang isa pang dating assistant ni Ayo, nananatili pa ring ban sa UAAP, na si McJour Luib ay napabalita ring itatalagang coach ng UST Tiger Cubs.

Sina Manansala at Luib ay nagbitiw bilang assistant coach ni Ayo nang mag-resign ito sa UST.

 

JININO MANANSALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with