Joven out sa Ronda
MANILA, Philippines — Papadyak ang Army Bicycology na wala ang kanilang team leader na si Cris Joven sa pagpapakawala sa LBC Ronda Pilipinas 2019 sa Pebrero 8-12 mula sa Iloilo hanggang sa Guimaras patungo sa Roxas City at Antique.
Nagkaroon ang 31- anyos na si Joven ng right knee injury matapos madulas sa kanilang training noong Sabado sa Cavite kaya hindi niya madadala ang Army team sa annual, UCI-sanctioned event na naglalatag ng qualifying points para sa 2020 Tokyo Olympics.
Si Joven ang isa sa mga kamador ng Armymen matapos pumangatlo noong 2017 edition.
Si Warren Bordeos ang papalit kay Joven’, habang si veteran at da-ting Southeast Asian Games gold medalist Alfie Catalan ang hinirang na team captain.
Ang Army Bicyco-logy ay isa sa pitong local teams na makikipagsaba-yan sa mga international squads sa naturang five-stage race.
Ang iba pang Phl-based squads ay ang Navy-Standard Insurance, Go for Gold, 7-Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Phls, Team Franzia, Team Tarlac at Bike Xtreme.
Ang international group ay kinabibilangan naman ng Matrix Powertag Japan, Nex Cycling, Korail Team Korea, PGN Road Cycling Team, Sri Lanka Navy Cycle Team, Customs Cycling Indonesia, Terengganu Cycling Team at Cambodia Cycling Team.
“LBC Ronda Pilipinas was first held with an end goal of sending a Filipino racing in the Olympics and this is its way of helping the country realize that dream,” wika ni LBC Ronda Pilipinas executive project director Moe Chulani.
- Latest