Parks nabigyan ng playing time
MANILA, Philippines – Sinamantala ni Fil-American guard Bobby Ray Parks, Jr. ang ibinigay sa kanyang 14 minuto nang magtala ng 2 points, 2 steals at 1 rebound sa 108-88 paggiba ng Texas Legends laban sa Santa Cruz Warriors sa NBA D-League sa Dr. Pepper Arena sa Frisco.
Nauna nang naglaro ang two-time UAAP Most Valuable Player sa loob ng 11 minuto sa 116-117 kabiguan ng Legends laban sa Oklahoma City Blue sa nauna nilang laro.
Pinamunuan naman ni Manny Harris ang Texas sa kanyang 27 points kasunod ang 16 ni Brandon Ashley.
Bumandera si Daniel Nwaelele para sa Warriors sa kanyang kinamadang 19 points.
- Latest