^

PM Sports

Ika-8 sunod na panalo tangka ng NU Bullpups

Pang-masa

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Arena)

9 a.m. – UE vs UST

11 a.m. – Ateneo vs NU

1 p.m. – AdU vs UE

3 p.m. – FEU vs DLSZ

 

MANILA, Philippines – Tatargetin ng nangu-ngunang National University ang kanilang pang-walong sunod na panalo sa pagharap sa defending champion Ateneo nga-yong alas-11 ng umaga sa UAAP Season 78 juniors’ basketball tournament sa Filoil Flying V Arena.

Nakumpleto ng Bullpups ang pagwalis sa first round nang ilista ang 73-60 panalo laban sa Blue Eaglets noong Dec. 12 at hangad ng Sampaloc-based cagers na muling talunin ang huli sa kanilang rematch.

Samantala, sasagupain ng De La Salle-Zobel ang Far Eastern University-Diliman sa alas-3 ng hapon matapos ang bakbakan ng Adamson University at UP Integrated School sa ala-1 ng hapon, habang makakatapat ng University of Santo Tomas ang University of the East sa alas-9 ng umaga.

Sa kanilang panalo sa Ateneo ay humakot si 6-foot-4 stalwart Justine Baltazar ng 18 points, 16 rebounds at 5 blocks para sa NU, habang nagdagdag si John Lloyd Cle-mente ng 18 markers.

Katabla ng Blue Eaglets ang Junior Archers sa second spot sa magkatulad nilang 5-2 baraha sa itaas ng Baby Tamaraws (4-3) at Baby Falcons (4-3).

Bitbit naman ng Tiger Cubs ang 2-5 slate kasunod ang Junior Maroons (1-6) at Junior Warriors (0-7).

Samantala, hahataw naman ang juniors’ baseball sa Rizal Memorial Baseball Stadium tampok ang labanan ng De La Salle-Zobel at UST sa alas-9 ng umaga.

ACIRC

ADAMSON UNIVERSITY

ANG

ATENEO

BABY FALCONS

BABY TAMARAWS

BLUE EAGLETS

DE LA SALLE-ZOBEL

FAR EASTERN UNIVERSITY-DILIMAN

FILOIL FLYING V ARENA

INTEGRATED SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with