^

PM Sports

UAAP Weekly Roundup NU isang panalo na lang para sa 1st round sweep ng women’s basketball

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawa pang panalo ang nilapa ng nagdedepensang kampeon sa UAAP women’s basketball Natio-nal University Lady Bulldogs nitong nakaraang linggo para lumapit sa first round sweep sa 78th UAAP women’s basketball na ginagawa sa Blue Eagle Gym.

Kinulekta ng Lady Bulldogs ang ikalimang sunod na panalo laban sa UE Amazons, 66-63 bago kinalos ang UP Lady Maroons, 80-44 para palawigin na rin ang kanilang winning streak sa 22-0 mula noong nakaraang taon.

Dalawang panalo rin ang naidagdag sa La Salle Lady Archers para pumangalawa sa 5-1 baraha. Matapos malusutan ang Ateneo Lady Eagles, 44-43 ay pinana rin ng Lady Archers ang Adamson Lady Falcons, 75-57.

Bumangon ang Amazons sa pagkatalo sa NU gamit ang 75-65 upset sa UST Tigresses sa overtime para sa 3-3 karta at malagay sa ikatlong puwesto kasunod ng UST na may 4-2 baraha. Naunang natalo sa UST, 67-70 ang Lady Falcons ay kasalo ang UE sa 3-3 baraha habang ang Ateneo ay may 2-4,  ang FEU Lady Tamaraws ay may 1-5 at ang Lady Maroons ay wala pang panalo matapos ang anim na asignatura. (AT)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ANG

ATENEO LADY EAGLES

BLUE EAGLE GYM

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with