^

PM Sports

San Beda nangunguna na

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 15-2 atake ang ginawa ng San Beda sa huling anim na minuto ng fourth quarter para angkinin ang liderato ng 91st NCAA men’s basketball tournament.

Humakot ang pro-bound na si Arthur Dela Cruz ng triple-double, habang kumolekta si 6-foot-8 Nigerian import Ola Adeogun ng 23 points at 12 rebounds para igiya ang Red Lions sa 83-75 panalo laban sa Jose Rizal Heavy Bombers kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Dela Cruz na may 26 points, 15 rebounds at 10 assists para sa kanyang unang triple-double ngayong season.

Hinawakan ng San Beda, nakuha ang kanilang pang-siyam na panalo sa 11 laro, ang 47-38 abante sa third period bago naagaw ng Jose Rizal ang unahan sa 69-67 mula sa three-pointer ni Tey Teodoro sa 6:59 minuto ng fourth quarter.

Nagpakawala ang Red Lions ng 15-2 bomba para iwanan ang Heavy Bombers sa 82-71 sa huling 1:57 minuto ng laro.

Samantala, kumamada ang nagbabalik na si Josan Nimes ng 18 points, 6 assists at 3 rebounds para tulungan ang Mapua Cardinals sa 87-78 panalo laban sa six-time titlists na San Sebastian Stags.

Nagbalik si Nimes matapos magpahinga ng tatlong laro dahil sa pulled hamstring.

Naglista ang Cardinals ng 14-point lead bago nakadikit ang Stags sa 78-83 sa huling 1:03 minuto ng fourth quarter.

Sinandigan ng Mapua sina Nimes at Cameroonian import Allwell Oraeme, humakot ng 11 points at 18 rebounds para muling makalayo sa San Sebastian at kunin ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nagdagdag ng tig-10 points sina Mark Brana, Darell Menina at John Nieles para sa Cardinals.

Sa juniors’ division, inilampaso ng San Beda Cubs ang Jose Rizal Light Bombers, 95-71 para sa kanilang 12-0 record, habang binigo naman ng Mapua Red Robins ang Staglets, 86-64 upang sumulong ang 10-1 marka.

MAPUA 87 - Nimes 18, Oraeme 11, Nieles 10, Menina 10, Brana 10, Biteng 9, Que 7, Aguirre 6, Serrano 4, Raflores 2, Dela Rosa 0.

San Sebastian 78 - Ortuoste 23, Costelo 15, Calisaan 13, David 10, Fabian 8, Guinto 7, Santos 2, Sibal 0, Pretta 0, Bulanadi 0, Vera 0.

Quarterscores: 23-27; 45-43; 67-57; 87-78.

SAN BEDA 83 - Dela Cruz 26, Adeogun 23, Tankoua 10, Sara 8, Koga 5, Soberano 4, Tongco 3, Cabanag 2, Mocon 2, Amer 0, Bonsubre 0, Presbitero 0, Solera 0, Sedillo 0.

Jose Rizal 75 - Pontejos 19, Teodoro 16, Grospe 10, Lasquety 7, Poutuouchi 6, Cruz 4, Abdul Wahab 4, Dela Virgen 3, Sanchez 3, Dela Paz 2, Astilla 1, Balagtas 0.

Quarterscores: 21-16; 36-32; 64-60; 83-75.

ABDUL WAHAB

ANG

DELA CRUZ

JOSE RIZAL

NIMES

PARA

RED LIONS

SAN

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with