WKF online registration bukas na
MANILA, Philippines — Bukas na ang online registration para sa Karate One Youth League Manila 2027 at sa World Karate Federation (WKF) Referee Licensing Examinations para sa Pebrero 20–28, 2027.
Idaraos ang WKF Referee Licensing Examinations sa Pebrero 20–24, 2027 sa National University (NU) Multi-Purpose Hall ng Mall of Asia sa Pasay City kasunod ang Karate One Youth League Manila 2027 sa Pebrero 25–28, 2027 sa SM Mall of Asia Arena.
Ang Youth League ay isa sa mga major events sa WKF international competition calendar na magbibigay ng pagkakataon sa mga batang karate athletes sa buong mundo na makatapat ang mga top international talents at makakuha ng eksperyensa sa world stage.
Ang pagpapatala para sa Karate One Youth League Manila 2027 ay gagawin sa pamamagitan ng Sportdata, ang official online registration platform.
Ang priority registration ay ibibigay sa mga National Federations na makapagsumite ng mga entries para sa kanilang official national team representatives.
Bubuksan ang individual age categories ayon sa scheduled timetable.
Ang mga athletes, coaches at clubs ay dapat regular na buksan ang Sportdata para sa mga updates sa kanilang mga kategorya.
- Latest
















