Ika-6 dikit kinana ng Knicks

NEW YORK — Umiskor si backup guard Jose Alvarado ng season-high 21 points, habang tumipa si Mikal Bridges ng season-best 19 markers sa 121-102 paggupo ng nagdedepensang Knicks sa Cleveland Cavaliers.
Kumana rin si Jalen Brunson ng 19 points sa pagdiretso ng New York (12-6) sa kanilang ikaanim na sunod na ratsada.
Nagdagdag si Josh Hart ng 15 points, 12 assists at pitong rebounds at humakot si Karl-Anthony Towns ng 12 points, 10 rebounds at pitong assists para sa defending champion.
Bumira si Donovan Mitchell ng 30 points kasunod ang 28 markers ni James Harden sa panig ng Cavs (9-10).
Sa iba pang laro, lusot ang Chicago Bulls sa Charlotte Hornets, 107-105; panalo ang Minnesota Timberwolves sa Oklahoma City Thunder, 113-106; binomba ng Houston Rockets ang Phoenix Suns, 116-104; wagi ang Memphis Grizzlies sa Los Angeles Clippers, 115-97; tinalo ng Golden State Warriors ang Sacramento Kings, 29-110; at dinaig ng Brooklyn Nets ang Milwaukee Bucks, 104-97.
- Latest
















