^

PM Sports

Heavy Bombers swak sa Finals

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng Jose Rizal University ang 18 taong paghihintay na mu­ling makalaro sa Finals matapos nilang patalsikin ang Letran, 85-79 sa Game 2 ng best-of-three semifinals sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City  kahapon.

Huling finals appea­rance ng Heavy Bombers ay noong pang 2008 at dahil sa panalo ay muli nilang susubukan na sikwatin ang kampeonato.

Taong 1972 hu­ling nagkampeon ang Kalentong-based squad sa NCAA.

Samantala, nakahirit ng deciding Game 3 ang Emilio Aguinaldo College matapos nilang paamuhin ang mabalasik na San Beda University, 75-64 sa Game 2 ng kanilang best-of-three semis series.

Tabla na ang serye sa 1-1 kaya asahang magi­ging kapana-panabik ang magiging bakbakan para sa huling finals slot.

Kinapitan ng EAC ang nagliliyab na opensa ni MJ Raymundo na nagtala ng 20 points, walong rebounds at tatlong assists.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with