NU at UP agawan sa No. 1 seat
MANILA, Philippines — Parehong swak na sa Final Four ang National University at University of the Philippines pero mahalaga pa rin ang kanilang laro sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Magtutuos ang Bulldogs at Fighting Maroons ngayong alas-5 ng hapon.
Kasalukuyan silang magkasalo sa tuktok ng hawak ang parehong 9-4 marka.
Ang mananalo sa NU at UP ang makakakuha sa No. 1 berth sa Final Four bitbit ang unang ‘twice-to-beat’ incentive na ibinibigay sa top two teams pagkatapos ng elimination round.
Ang matatalo ang sasagupa sa magwawagi sa pagitan ng defending champion De La Salle University at Far Eastern University para paglabanan ang No. 2 seat kasama ang huling bonus.
Maglalaban ang La Salle at FEU sa ganap na alas-2:30 ng hapon.
Krusyal ang laro dahil ang mananalo sa Green Archers at Fighting Maroons ang papasok sa Final Four at may tsansa rin sa ‘twice-to-beat’ bonus.
Kaya asahang mahigpit ang magiging labanan ng apat na koponan.
Pakay din ng La Salle na ikadena ang pangatlong sunod na panalo sa pakikipagkita sa mapanganib na FEU.
Ang mamalasin ang haharap sa University of Santo Tomas (8-6) sa agawan para sa huling semis berth.
- Latest
















