Talk ‘N Text, San Miguel katatakutan
MANILA, Philippines – Patuloy na katatakutan ang San Miguel Beer at Talk ‘N Text para sa darating na 41st PBA season base sa opinyon ng mga coaches matapos ang 2015 Rookie Draft at ilang nangyaring trade deals na inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Narvasa.
Sinasabing mapapantayan ng Talk ‘N Text ang 2014-15 PBA double champ na San Miguel Beer dahil sa mga pinasok nitong trades.
“Talk ‘N Text lost only Kevin Alas and Rob Reyes and they got Moala Tautuaa and Troy Rosario. They were a strong team that got stronger. On sheer talent, they improved a lot,” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao. “San Miguel Beer didn’t tinker with their lineup as they didn’t need to. San Miguel Beer and Talk ‘N Text are up there in terms roster power,” dagdag pa nito.
“The others got minor consequences (mula sa draft). It will now depend on how these teams utilize their lineup,” wika pa ni Guiao.
Nagpalakas din ng line-up ang Rain or Shine, Meralco, Globalport at Barangay Ginebra para abangan sa PBA Season 41 na bubuksan sa Oktubre 18.
Hinugot ng Elasto Painters, ang tanging koponan na nakapasok sa Final Four sa tatlong torneo ng nakaraang season, sina Maverick Ahanmisi, Josan Nimes at Don Trollano.
Kumuha naman ang Bolts, Batang Pier at Gin Kings ng mga promising draftees bukod pa sa mga free-agent at trade acquisitions.
Pinatibay ng Meralco ang kanilang gitna sa pamamagitan ni Rabeh Al-Hussaini at free agents Bryan Faundo at Justin Chua.
Pinunan din ng Bolts ang kanilang wing at backcourt matapos kunin sina Chris Newsome at Baser Amer.
“Meralco got bigger and got stronger in the backcourt. They learned their lesson from last year and they made an effort to increase their ceiling,” sabi ni Guiao. “Their challenge is they’re practically a new team.”
Nakuntento naman ang Globalport sa pagpili nila sa No. 28 overall na si Roi Sumang para makasama nina 2015 Rookie of the Year awardee Stanley Pringle, Gilas hopeful Terrence Romeo at sina trade recruits Joseph Yeo, Jervy Cruz at Jay Washington. (NB)
- Latest