Jose Rizal vs San Beda depensa vs opensa
MANILA, Philippines – Ang Heavy Bombers ang No. 1 defensive team ngayong 91st NCAA men’s basketball season, habang ang five-peat champions na Red Lions ang No. 2 offensive squad.
Magkakasubukan ang San Beda at ang Jose Rizal University ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Perpetual Help at Arellano University sa alas-2 sa The Arena sa San Juan City.
Pipilitin ng Red Lions na patuloy na solohin ang ikalawang puwesto sa ilalim ng humahagibis na Letran Knights, habang tatargetin ng Heavy Bombers, Altas at ng Chiefs ang kanilang pang-limang panalo.
Nanggaling ang San Beda sa 83-81 panalo laban sa Perpetual noong Hulyo 28 para sa kanilang pang-limang panalo at hangad na wakasan ang tatlong sunod na ratsada ng Jose Rizal.
Ngunit kailangang basagin ng Red Lions ang ma-tinding depensa ng Heavy Bombers, nilimitahan ang kanilang mga kalaban sa league-high na 64.33 points per game.
Sa katunayan, ang tatlong huling tinalo ng Jose Rizal ay kanilang pinatahimik sa average na 52 points.
Tinalo ng Heavy Bombers ang Emilio Aguinaldo Generals, 67-47 ang Lyceum Pirates, 75-60 at ang St. Benilde Blazers, 67-49.
May average na 90.5 points a game naman ang San Beda pangalawa sa nangunguna sa opensang 93.7 points ng Mapua.
Muling pangungunahan ni PBA-bound Arthur dela Cruz, nagtatala ng career-best na 20.67-point average, ang Red Lions bukod kay 6-foot-8 Nigerian import Ola Adeogun.
“If we can continue to play aggressive and just keep on attacking, we’ll be good,” wika ni San Beda rookie coach Jamike Jarin sa kanilang pagsagupa sa Jose Rizal ni mentor Vergel Meneses.
- Latest