Mane N’ Tail hiniya sa Biñan Dy binigyan ng mainit na panimula ang Shopinas
Laro Bukas
(The Arena,
SanJuan)
2:30 p.m. Philips Gold vs Shopinas
4:30 p.m. Main N’ Tail vs Cignal
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Kim Kianna Dy ang pagresbak ng Shopinas mula sa kabiguan sa third set para talunin ang Mane N’ Tail, 25-22, 25-22, 16-25, 25-14, sa kanilang debut game sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Alonte Sports Complex sa Biñan, Laguna.
Nagtala si Dy, naglalaro para sa La Salle, ng match-best 17 hits, ang 10 dito ay kills, 4 blocks at 3 service aces.
Nag-ambag si Stephanie Mercado, dating Lady Spiker, ng 10 markers, habang si Arianna May Angustia ay may 9 points kasunod ang tig-8 nina Charleen Cruz at Michelle Laborte.
Nahirapan ang Lady Clickers na patahimikin si Honey Royce Tubino, dating NCAA MVP, matapos banderahan ang Lady Stallions sa third set.
Ngunit kumamada si Dy para sa Shopinas sa fourth frame at nilimitahan si Tubino, tumapos na may 14 hits.
“We only practiced three times, that’s why we had a tough time in this match,” sabi ni coach Ramil de Jesus, iginiya ang La Salle sa ‘four-peat’. “Hopefully, we can log in more practice time for us to get that rhythm.”
- Latest