^

PM Sports

Liver Marin sasandal sa Baste players sa D-League

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bitbit ang mga sinasandalang manlalaro ng San Sebastian, handang magpasiklab ang koponang suportado ng Liver Marin sa pagsali nila sa PBA D-League Foundation Cup na magsisimula na bukas sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Siyam na betarano ng NCAA, kasama ang tatlong natapos na ang playing years, ang hinugot ni Rodney Santos para tulungan siya na bigyan ng disenteng kampanya ang koponan.

Si Santos ay itinalaga bilang interim coach ng Baste matapos magbitiw si Topex Robinson sa pagtatapos ng NCAA basketball.

Noong Enero ay inumpisahan ng 41-anyos na da-ting kamador ng San Sebastian ang bagong trabaho at ipinasok na ang ipaiiral na sistema.

“Anim na players na makakapaglaro sa NCAA next year at tatlong graduates ang core players ng team at may experience na rin dahil ilan sa kanila ang beterano na ng liga. Kaya I believe we can compete,” wika ni Santos, nagbigay ng ilang kampeonato sa Baste bago sumungkit pa ng titulo noong umakyat sa PBA at naglaro sa Purefoods, Alaska, Ginebra at Coca-Cola.

Ang mga graduates na sina Jovit dela Cruz, Leo De Vera at Bobby Balucanag ay sasamahan nina Jamil Ortuoste, Bradwyn Guinto, Mike Calisaan, Je-rick Fabian, Ryan Costelo at Jeff Santos na aasahan sa 91st NCAA season.

Kukumpletuhin ang koponan  nina Joseph Ambohot, Jansen Rios, Choi Ignacio, Moy Abad at Jhygrus Laude. Sina Dela Cruz, De Vera, Balucanag, Guinto at Ortuoste na siyang team captain ay nakapaglaro na rin sa D-League.

“Hindi kami kalakihan pero ang maganda sa team, lahat ay kayang tumakbo at puwedeng umopensa,” papuri pa ni Santos na sasamahan sa bench nina da-ting Ginebra players Bal David, Ronald Matulis at Banjo Calpito bilang mga assistants.

Patutunayan ng koponang pag-aari nina Albert Chua, Arnold Vegafria at Richard Sy ang kakayahang makasabay sa beterano ng liga bukas dahil kalaro nila ang AMA University Titans. (AT)

vuukle comment

ALBERT CHUA

ARNOLD VEGAFRIA

BAL DAVID

BANJO CALPITO

BOBBY BALUCANAG

BRADWYN GUINTO

CHOI IGNACIO

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DE VERA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with