^

PM Sports

Arum nababagalan sa negosasyon ng Pacquiao-Mayweather fight

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkasundo sina Man­ny Pacquiao at Floyd May­weather, Jr. na kapwa mananahimik habang pi­naplantsa ang ilang de­talye ng kanilang laban.

Ngunit hindi nila ma­pipigilan si Bob Arum ng Top Rank promotions.

Sa panayam ng ESPN, si­nabi ni Arum na nadi­dismaya siya sa kabagalan ng negosasyon para sa bak­bakan nina Pacquiao at Mayweather na iti­nakda sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“We send one draft to their side, and their lawyer sends back a draft with something else that’s an issue. And there doesn’t seem to be any urgency about it on their side,” sabi ni Arum. “It’s terrible.”

Sa isang laro ng Miami Heat at Milwaukee Bucks sa Miami, Florida kama­kailan ay nagkita sina Pac­quiao at Mayweather at nagpalitan ng phone num­bers.

Kinagabihan ay nagtu­ngo ang 37-anyos na si May­weather sa hotel suite ng 36-anyos na si Pac­­quiao sa Miami para pag-usapan ang kanilang la­ban.

Nagkasundo ang dalawang boksingero na parehong hindi magsasalita.

Sinabi ni Arum na ha­bang walang napanana­lisang kasunduan sa pa­gitan nina Pacquiao at May­weather ay may posibilidad na hindi mangyari ang kanilang suntukan sa Mayo 2.

“If you want to drag this out a little longer then move the fight to later in May – May 30 is a good date – or go in June,” wika ni Arum.

“We agreed to go on May 2 because that is the date Mayweather is hung up on, but if we're going to go on May 2 we need to get this done,” dagdag pa nito.

BOB ARUM

FLOYD MAY

LAS VEGAS

MAYWEATHER

MIAMI HEAT

MILWAUKEE BUCKS

NAGKASUNDO

PACQUIAO

SHY

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with